Home NATIONWIDE Gov’t employees na 10 taon na sa serbisyo bibigyan ng dagdag 10...

Gov’t employees na 10 taon na sa serbisyo bibigyan ng dagdag 10 puntos sa CSC exam

MANILA, Philippines- Gagawaran ng Civil Service Commission (CSC) ang government employees na nanungkulan ng kabuuang 10 taon o higit pa ng preferential rating na 10 puntos sa darating na Civil Service Examination (CSE).  

Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing nitong Huwebes, iniulat ni CSC Commissioner Aileen Lizada na inaprubahan ng Komisyon ang CSC Resolution Number 2301123 na may titulong Guidelines on the Grant of Career Service Eligibility Preference Rating.

Ani Lizada, sasaklawin nito ang mga empleyado sa ilalim ng job orders, contracts of service, maging contractual, casual, at coterminous positions.

Pasok din sa resolusyon resolution ang mga empleyado sa posisyon sa ilalim ng Categories 3 at 4, at mga mayroong first-level civil service eligibility.

“Ano po ang mangyayari kung nasa gobyerno na po kayo for at least 10 years aggregate? The next exam which will be on March 3, gagamitin na po natin itong polisiya na ito,” ayon kay lLizada.

“Ano itong policy na ito? Ito po ay mayroon po kayong plus 10 points. So kung hindi ninyo naabot ‘yung 80 percent passing rate at kung kayo po ay 70 percent, plus 10 points para po pumasa kayo,” dagdag niya.

Nakatakda ang CSE-Pen and Paper Test sa March 3, 2024.

Base sa CSC, maaaring mag-file ng aplikasyon ng mga interesadong indibidwal sa designated CSC regional offices o field offices hanggang ngayong Biyernes (Jan. 12). RNT/SA

Previous article4 coastal areas sa VisMin sapul ng red tide
Next articleHigit 700 Pinoy apektado ng pagsasara ng kompanya sa New Zealand