Home NATIONWIDE Gov’t housing programs sa informal settlers sa NCR, pinuri ng CHR

Gov’t housing programs sa informal settlers sa NCR, pinuri ng CHR

MANILA, Philippines – Tinukoy ng Commission on Human Rights (CHR) na ang hakbang ng pamahalaan na bumuo ng 170,000 pabahay para sa mga informal settler sa Metro Manila ay isang “step in addressing issues of inadequate housing.”

“This commendable program reflects a positive step toward addressing the pressing issue of inadequate housing and internal displacement faced by these vulnerable communities,” saad sa pahayag ng CHR nitong Biyernes, Enero 19.

Ang proyekto ay pinapangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region.

Binanggit din ng CHR na sa pagtaya ng United Nations, ang bansa ay mayroong 3.7 million ISFs at 500,000 katao na naninirahan sa slums at high-risk areas noong 2023.

“In line with this effort, we note the government’s initiative, particularly the relevant agencies, to institutionalize a program that incorporates grassroots and human rights-based approaches to efficiently plan, implement, and monitor ISF housing programs,” dagdag pa ng CHR.

Umaasa naman ang CHR na masosolusyunan na rin ang problema sa tirahan sa rural communities.

“Moreover, we seek proper, decent, and understandable approaches when building temporary housing so that beneficiaries can continue to live a dignified life near their source of livelihood and families. We also hope that this program will be expanded to other parts of the country, particularly rural areas that require adequate housing,” sinabi pa ng CHR. RNT/JGC

Previous articleTourism, engineering education sa Region 6 palalakasin ng CHED
Next articleCHED may babala vs social media pages na nag-aalok ng ghostwriting services