Home METRO Grade 10, nobyo timbog sa P70K tsongki

Grade 10, nobyo timbog sa P70K tsongki

MANILA, Philippines- Resistance and disobedience to a person in authority at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng isang Grade 10 student at kanyang kinakasama sa Caloocan.

Swak sa hoyo sina “Desiree,” 20, Grade 10 student, at “Ivan,” 26, stock man, nagsasama sa Block 28, Lot2, Tierra Nova Phase 3, Brgy 171.

May nagnguso sa mga pulis ukol sa drug trade sa Cartagena Str., Tierra Nova Phase 3, Barangay 171, Bagumbong.

Nabulaga sa madilim na bahagi ng kalsada ang dalawang katao na tumutugma sa inilarawan ngunit nang mapansin ng magkasintahan ang mga pulis ay kumaripas ang mga ito ngunit tinugis ng mga pulis hanggang sa masukol ng alas-10:35 ng gabi.

Nasamsam sa dalawa ang isang shoulder bag na naglalaman ng 560 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P67,200.

Samantala, dalawang “dagang dingding” ang hinuli dahil sa P20,000 shabu sa Valenzuela.

Inaresto sina Jovienal Nallano, 36, ng 6181 Balanti St., Ugong, at Ernesto Acaylar Jr., 48, tricycle driver, ng San Jose St., Pangil, Laguna City.

Nakipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 droga sa labas ng bahay ni Nallano at nang dakmain nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay sila naman ang dinakma ng mga parak.

Nasamsam sa dalawa ang tatlong gramo ng shabu na may presyong P20,400, marked money, P500 recovered money at coin purse. Merly Iral

Previous article2 airport police na dumaan sa EDSA bus lane sinuspinde ng MIAA
Next article47 natabunan sa China landslide