Home METRO Grade 2 student hinalay na, pinatay pa sa Cotabato

Grade 2 student hinalay na, pinatay pa sa Cotabato

405
0

MANILA, Philippines – Patay nang matagpuan ang isang pitong taong gulang na estudyante matapos na halayin umano at pukpukin ng matigas na bagay sa ulo, sa Cotabato.

Maliban dito, wala ring saplot pang-ibaba ang estudyante.

Sa ulat nitong Miyerkules, Setyembre 6, natagpuan ang bangkay ng biktimang Grade 2 student sa isang palayan sa Barangay New Pandan sa Matalam kasabay ng unang araw ng pagbabalik-eskwela noong nakaraang linggo.

Sa imbestigasyon, ipinasuyo umano ng ama ng bata na ihatid sa paaralan ang kanyang anak sa isang 21-anyos na lalaking kinilala sa alyas “John” na kakilala umano nito.

Napag-alaman na hindi na nakapasok ang bata sa paaralan matapos ang insidente.

Kalaunan ay dinakip si alyas “John” na nahaharap sa kasong rape with homicide. RNT/JGC

Previous articleDOJ nais bumuo ng maritime investigation unit
Next articleYsabella, bet maging character actress!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here