Home METRO Grade 8 stude patay sa nahulog na spare tire ng trak, kapatid...

Grade 8 stude patay sa nahulog na spare tire ng trak, kapatid kritikal

MAKILALA, North Cotabato- PATAY ang isang grade 8 student na babae habang kritikal ang kanyang kapatid matapos magulungan ng spare tire mula sa truck, Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ang namatay na si Joana Marie Aligato Daha, 13, habang kritikal sa ospital ang 11-anyos nitong kapatid na lalaki at kapwa residente sa Purok Cacao, Barangay Malasila, Makilala.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Prime Mover truck na kinilalang si Reyan Casonete, nasa hustong gulang at taga Davao.

Batay sa report ng Makilala Police Station, bandang 8:00PM nang maganap ang insidente sa national highway ng naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng prime mover truck ang naturang lugar ay bigla na lamang nahulog ang spare tire at gumulong sa kabilang linya dahilan para magulungan ang magkapatid.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang magkapatid at dinala ang mga ito sa ospital subalit nalagutan rin ng hininga si Joana habang patuloy na inoobserbahan ang kapatid.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng pulisya ang desisyon ng pamilya ng magkapatid kung magsasampa ng kaso laban kay Casonete. Mary Anne Sapico

Previous articleReciprocal Access Agreement, mapakikinabangan ng Pinas, Japan
Next articleKaarawan ni Pope Francis ipinagdiwang kasama ng mga bata