Home METRO Granada sumabog sa bahay ng ex-Comelec chair

Granada sumabog sa bahay ng ex-Comelec chair

MANILA, Philippines – Niyanig ng pagsabog ng granada ang bahay ni dating Commission on Elections chairperson Sheriff Abas sa Cotabato City.

Wala namang nasaktan sa insidente ngunit tinamaan ng shrapnels ang sasakyang nakaparada sa lugar.

Wala naman si Abas sa bahay nang mangyari ang pagsabog.

Hindi pa batid ng pamilya nito ang posibleng motibo at pagkakakilanlan ng taong naghagis ng granada sa loob ng kanilang tahanan.

Nakakuha na ng CCTV footage ang mga awtoridad sa tapat ng kanilang bahay na makatutulong sa imbestigasyon.

Nag-alok na ng tig-P300,000 ang Cotabato City government at kapatid ng ex-Comelec official na s Bangsamoro deputy minister of health Zul Qarneyn Abas, sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga suspek. RNT/JGC

Previous articleInvestigation procedures nilabag sa pagkamatay ni Jemboy – NPD chief
Next articleJoshua, pinagluto ang rumored jowa!