Home METRO Grand Marian Procession sa Maynila, kasado na

Grand Marian Procession sa Maynila, kasado na

184
0

MANILA, Philippines – KASADO na ang gagawing pagdaraos ng “Manila Grand Marian Procession” sa Linggo, Hulyo 16.

Batay sa abiso ng Manila Public Information Office (MPIO), ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-14 taon anibersaryo ng Nuestra Señora de la Soledad Parish.

Ang nasabing pagdiriwang ay pangungunahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamamagitan ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM).

Batay sa schedule, magsasagawa ng isang banal na misa sa Kartilya ng Katipunan, dakong alas-4:00 ng hapon at susundan ito ng mismong prusisyon na mag-uumpisa din sa Kartilya.

Ang lahat ng mga mananampalataya ay iniimbitahan na makibahagi rito. Inaasahang maraming sa mga deboto ay magdadala ng iba’t ibang imahen sa prusisyon.

Nabatid naman sa MPIO na wala namang isasarang kalsada sa panahon ng prusisyon ngunit paiiralin ang “stop and go.”

Kabilang sa daraanan ng Manila Grand Marian Procession ay Jones Bridge, Plaza Ruiz, Delpan St., at iba pa hanggang sa makarating sa Nuestra Señora de la Soledad Parish sa Binondo.

Samantala sa isang pagpapabatid, sinabi ng Parokya na hindi sila naglalabas ng anumang uri ng “solicitation” para sa Manila Grand Marian Procession, sa sulat man o Facebook post. Bawal din ang mga paputok sa Kartilya ng Katipunan.

Ang pahayag na ito ay kaugnay sa isang insidente na may post sa social media na humihingi ng donasyon para sa mga paputok na gagamitin sa okasyon. JAY Reyes

Previous articleMedtech huli sa drug buy-bust ops
Next articleLotto Draw Result as of | July 14, 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here