Home NATIONWIDE Grid system sa Panay island, stable – DOE official

Grid system sa Panay island, stable – DOE official

MANILA, Philippines – Siniguro ng opisyal mula sa Department of Energy nitong Sabado, Enero 20, na “stable” ang grid system sa Panay Island at mga kalapit nitong probinsya.

Ani DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, patuloy na minomonitor ng kagawaran ang power supply sa isla matapos ang January 2 blackout.

“Ang situation po ngayon, kagaya ng nabanggit ko kanina, stable po ang grid system natin. May ample supply tayo, walang kakulangan at every 30 minutes po mino-monitor namin iyong sitwasyon,” pagbabahagi ni Marasigan sa weekly forum.

“At mayroon pang mga oras na nag-i-export pa ang Panay papunta ng Negros.”

Nilinaw din niya na walang rotational brownout na nararanasan sa isla.

“Wala pa pong nangyayaring rotational brownout, except po noong insidente mismo, iyong oras nang pagkapatay noong planta. So ngayon, para maiiwasan po natin na huwag magkaroon pang sitwasyon ng Jan. 2, kung mayroon pang isa o dalawang planta na magkakaroon pa ng problema, saka po sila mag-i-issue noong talagang advisory na magkakaroon ng manual load dropping,” sinabi pa ni Marasigan, sabay-sabing isang planta lamang ang nakaranas ng outage.

Umaasa naman si Marasigan na ang line enhancement program ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), partikular ang Cebu-Negros-Panay (CNP) Stage 3 Project, ay makukumpleto na upang maiwasan ang serye ng outages.

Ipinaliwanag din niya na ang proyekto ay magpapataas sa kapasidad para makapaglipat ng power supply sa Negros at Panay.

“Isa po sa nakita nating solusyon para maiiwasan ay dapat pong makumpleto iyong enhancement ng Negros-Panay, iyon po ‘yung tinatawag nating stage 3 project ng CNP (Cebu-Negros-Panay), part po iyon kung saan po mag-i-increase iyong capacity ng transfer ng Negros at Panay. Sa ngayon ho nabanggit ko, 180 megawatts, pwede pong umakyat ng 400 megawatts. So, kung magkaroon man – sabihin po natin, mabawasan man ng malaki ang generation sa Panay, iyon pong linya ang magbibigay ng kuryente,” ani Marasigan said.

Inaasahang matatapos ng NGCP ang naturang proyekto sa pagtatapos ng Marso. RNT/JGC

Previous articleCHED may babala vs social media pages na nag-aalok ng ghostwriting services
Next articleSelf-reliance sa mga komunidad sa pamamagitan ng backyard farming isinusulong ng DILG