Home HOME BANNER STORY Grupo sa likod ng pro-Cha-cha ad sa mga telebisyon, lumantad na

Grupo sa likod ng pro-Cha-cha ad sa mga telebisyon, lumantad na

MANILA, Philippines – Lumantad na ang grupong nasa likod ng pagpapalabas ng pro-Charter change advertisement na umere sa mga TV network ngayong linggo.

Ayon sa law firm na nagrerepresenta rito, ang grupong “PIRMA” ang nasa likod ng patalastas na ito, na sila ring nananawagan na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng people’s initiative noong administrasyong Ramos.

Sa naturang patalastas ng PIRMA, sinabi na maraming ma Filipino umano ang napabayaan at naiwan na ng 1987 Constitution, at pumalya na ang lahat ng mga ipinangakong reporma nito sa sektor ng agrikultura, edukasyon at ekonomiya.

Ayon sa law firm na nagrepresenta sa PIRMA, ang layunin umano ng patalastas ay upang mapag-usapan na ng publiko ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Anila, ang PIRMA ay kumikilos sa pamamagitan ng mga donasyon, nangangahulugan na hindi pondo ng publiko ang ginamit para sa patalastas.

Ayon sa Initiative and Referendum Act, maaaring ipanukala ng publiko ang constitutional amendments sa pamamagitan ng people’s initiative sa pagpapasa ng petisyon na pirmado ng 12% ng kabuuang bilang ng registered voters.

Ang bawat legislative district ay dapat na irepresenta ng nasa 3% ng registered voteres. RNT/JGC

Previous articleDry run sa unified RFID system nagsimula na
Next articleOWWA nagbabala vs fake social media accounts na nag-aalok ng pautang