Home NATIONWIDE GSIS naglunsad ng P1B emergency loan program para sa Mayon victims

GSIS naglunsad ng P1B emergency loan program para sa Mayon victims

MANILA, Philippines- Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P1 bilyon para sa kanilang emergency loan program na naglalayong tulungan ang mga miyembro at pensiyonado na apektado ng  pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Albay.

Nauna rito, inanunsyo ng GSIS na bukas na ang aplikasyon para mag-avail ng emergency loan.

Sinabi ng GSIS na tatanggap na sila ng aplikasyon hanggang Hulyo 18, 2023.

“After Sanggunian Panlalawigan of Albay declared the entire province a calamity area, we immediately opened the loan and set aside a P1 billion budget to assist 39,0000 GSIS members and pensioners in Albay who need our assistance,” ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso.

Ang loan ay para sa mga aktibong miyembro ng GSIS na nakatira sa calamity area. Ito ay bukas din maging sa pensioners at persons with disability na miyembro.

Maaaring makahiram ng hanggang P20,000 ang isang miyembro samantalang pwede namang pahiramin ng aabot sa P40,000 ang miyembro na may existing emergency loan. Mula sa halagang ito ay makakapag-uuwi din ito ng P20,000 libo, habang ang tira ay gagamiting pambayad sa existing emergency loan.

Hinihikayat ng GSIS ang mga interesadong kumuha ng loan na magtungo sa kanilang website o kaya’y tumawag sa tanggapan para sa mga alituntunin at requirements.

Samantala, pinayuhan ng GSIS ang mga miyembro at mga pensiyonado na mag-apply para sa loan program sa pamamagitan ng kanilang mobile phones gamit ang GSIS Touch mobile application.

Ang GSIS Touch ay maaaring i-download mula sa Google Play Store at Apple App Store.

Maaari ring mag-apply ang mga miyembro ng kanilang loan sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks, matatagpuan sa lahat ng  GSIS offices, Robinson’s malls, SM supermalls, at iba pang government offices. Kris Jose

Previous articleTaxi driver binaril ng ‘di pinasakay na senior
Next article‘Air power’ susi sa PH’ territorial defense, – PAF commander