MANILA, Philippines- Inihayag ni Teofilo Guadiz III ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo matapos muling italaga bilang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson.
Nagpasalamat si Guadiz sa chief executive para sa kanyang desisyon, na inanunsyo sa pamamagitan ng special order na nilagdaan ni Department of Transportation chief Jaime Bautista.
“I am truly honored and humbled by the trust and confidence that President Marcos has placed in me to continue serving our nation in this capacity,” wika ni Bautista.
“I pledge to uphold the highest standards of integrity, transparency, and efficiency in leading the LTFRB. We will work tirelessly to address the pressing issues and challenges in the transportation sector, striving to improve the lives of the Filipino people by providing safe, reliable, and accessible public transportation services,” dagdag niya.
Noong October 9, sinuspinde ni Marcos si Guadiz matapos akusahan ang huli ng dati niyang executive assistant na si Jeffrey Tumbado, na sangkot umano sa “lagayan (bribe) scheme.”
Kalaunan, binawi ni Tumbado ang kanyang mga alegasyon at sinabing ang mga ito ay “borne out of impulse, irrational thinking, poor decision making, and misjudgment.”
Subalit noong October 20, muling iginiit ni Tumbado ang mga binawi niyang alegasyon na naglinis sa pangalan ni Guadiz. RNT/SA