GUAM – Nanalasa ang Category 4 na bagyo sa Guam nitong Huwebes, Mayo 25.
Taglay ng Super Typhoon Mawar ang lakas ng hangin na aabot sa 140 milya kada oras o 225 kilometro kada oras at nagdala ng pag-ulan na aabot sa 5 centimeter per hour sa magdamag.
Ayon sa US National Weather Service (NWS), inilagay na sa Category 4 ang kategorya ng bagyo o ikalawa sa pinakamalakas na kategoryang itinatakda sa Saffir-Simpson Hurricane Wind scale.
Sa bilis nitong 8 mph, posibleng magdulot pa ang bagyong Mawar ng mas maraming serye ng pagguho ng lupa, pagbaha at storm surge sa maraming lugar sa Guam.
“I’m very worried for our people’s safety and very concerned,” sinabi ni Guam Governor Lou Leon Guerrero sa panayam nitong Miyerkules.
Advertisement