Home HOME BANNER STORY Guimba vice mayor umupo bilang bagong mayor

Guimba vice mayor umupo bilang bagong mayor

445
0

 

GUIMBA, Nueva Ecija – Pormal nang nanumpa si Vice Mayor Jesulito Galapon sa tungkulin bilang bagong municipal mayor ng bayan ng Guimba, Nueva Ecija sa harap ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali noong Mayo 9, 2023.

 

Pinalitan ni Galapon si three term mayor Jose Dizon bunsod ng biglaang pagkamatay nito dahil sa matagal ng iniindang karamdaman.

 

Si Dizon, 78, ay dating pangulo ng League of Municipalities of the Philippines-Nueva Ecija chapter mula 2019-2022, at unang nanilbihan bilang alkalde noong 1988-1992 bago nahalal nang tatlong termino bilang mayor muli nitong 2016 hanggang 2025.

 

Iniluklok din ni Gov. Umali, ang anak ni Dizon na si Jose Lucius Pocholo “Bopet” Dizon, isang dating tatlong terminong alkalde ng Guimba mula 1998-2007 bilang kapalit ang yumaong si Roseller T. De Guzman, na namatay noong Agosto ng nakaraang taon habang nagsisilbi sa kanyang ikalawang termino bilang board member ng unang distrito ng lalawigan.

 

Sa parehong kaganapan, iniluklok din ng gobernador si number one councilor Darlene Jahne Antoinette “Diane” Beltran bilang bagong bise alkalde ng Guimba.

 

Samantala, si Bonbon M. Dizon naman ay nahirang bilang pang-walong konsehal ng bayan matapos siyang irekomenda ng partido ni Umali na Unang Sigaw Partido ng Pagbabago bilang bagong miyembro ng konseho ng bayan. Ver Sta. Ana

Previous articleKelot tinodas ng tandem sa Kyusi
Next articleKen, nagpabida, sinisisi sa naudlot na serye!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here