Home NATIONWIDE Guinness record nakamit ng PH sa pinakamaraming lotto winners

Guinness record nakamit ng PH sa pinakamaraming lotto winners

MANILA, Philippines – Nakamit ng Pilipinas ang Guinness World of Records sa pinakamaraming bilang ng nagwagi ng jackpot sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ayon sa isang senador.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Imee Marcos na lubhang nakakapagtaka sa pagdam,I ng bilang ng lotto winners na maaaring maitakda sa Guinness world record.

“Kailangan malaman ng Guinness ito, sobrang galing eh. Tayo na yata ang may pinakamaraming nanalo sa loob ng isang taon,” ayon kay Marcos.

Inihayag pa din ng senador na naitala sa records ng PCSO nitong Oktubre 2023 na umabot sa 433 indibiduwal ang nagwagi sa P236 million 6/55 lottery.

“Now, we have winners almost every day,” aniya.

“Di mo malaman kung matatawa ka, maiinis o matatakot ,” giit pa niya.

Humahakot ng pagbatikos ang PCSO matapos matuklasan ng netizens na nagpalabas ito ng edited photo ng Lotto 6/42 jackpot winner na naging viral.

Inamin ni PCSO General Manager Melquiades Robles na edited ang photo upang protektahan ang pagkakakilanlan ng nagwagi.

Ipinakikita sa naturang larawan ang nagwagi mula sa San Jose Del Monte, Bulacan na kumuha sa Lotto 6/42 jackpot ng hlagang P43,882,361.60 sa PCSO main office nitong Disyembre 28, 2023.

Pumayag ang PCSO na isusumite nila ang lahat ng pangalan ng lotto winners sa executive session kapag nakakuha ng subpoena. Ernie Reyes

Previous articleDENR, pulisya nagkasa ng search warrant sa DBSN
Next articleGenCom na responsable sa Panay blackout, papanagutin ng Senado