Home METRO Guinness World Record para sa paghahain ng mahigit 300 pork dishes target...

Guinness World Record para sa paghahain ng mahigit 300 pork dishes target masungkit ng PH hog farmers

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Target ng National Federation of Hog Farmers (NFHF) ang Guinness World Record sa March 1 sa paghahain ng halos 300 pork dishes para sa Hog Festival 2024 kaugnay ng National Pig Day Celebration.

Sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Rodolfo Ona, Vice President ng NFHF, na magsisimula ang kapistahan sa March 1 at matatapos sa March 5. 

“We wanted to kick off the celebration with the Guinness World Record attempt for the most number of pork dishes on display and to be served afterwards,” ani Ona.

Nilalayon ng pagdiriwang na i-reintroduce ang local hog farmers na bumabangon pa mula sa pinsala ng African Swine Fever (ASF). 

Gayundin, nais nitong ipakilala ang Filipino pork at suportahan ang allied industries sa agrikultura.

Anang NFHF, isasagawa ang unang araw ng festival sa Quantum Skyview, Upper Ground B. Gateway 2, sa Araneta City, kung saan sila maghahain ng halos 300 pork dishes para sa world record attempt. 

Anito, ang paghahain ng pinakamaraming pork dishes ang una para sa Guinness. RNT/SA

Previous articleInstitusyonalisasyon ng ilan pang PESO itinutulak ng DOLE, DILG
Next articleUnang Indo-Pacific agri office pinasinayaan sa Manila