Gumagaling halos 10K na; COVID-19 cases sa PH, higit 36K na

Gumagaling halos 10K na; COVID-19 cases sa PH, higit 36K na

June 29, 2020 @ 4:48 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Aabot na sa halos 10,000 ang bilang ng nakakarekober sa coronavirus disease (COVID-19) habang sumampa na sa higit 36,000 ang naitatalang kaso sa bansa, ayon sa pinkahuling tala ng Department of Health.

Sa beat COVID-19 presser ng DOH, ininanusyo nito na nakapagtala ng 985 bagong kaso dahilan para umakyat na sa 36,438 ang COVID-19 cases sa bansa, Dumagdag din ang 270 pang pasyente na gumaling dahilan para umabot na sa  9,956 ang total recoveries.

Sa bagong kaso, 643 dito ang fresh cases kung saa 223 ang naitala sa National Capital Region, 106 sa Region 7 habang nasa 314 naman  sa ibat-ibang lugar.

342 naman ang late cases kung saan sa NCR ay nakapagtala ng 96, sa Region 7 na may 29 kaso, at 219 sa iba pang lugar.

Nasa 11 naman ang nadagdag sa mga pumanaw dahil para sumirit na sa 1,255 ang bilang ng COVID-19 related deaths. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...