Home METRO Gumilit sa leeg ng babae sa apartelle sa Caloocan, sumuko na

Gumilit sa leeg ng babae sa apartelle sa Caloocan, sumuko na

MANILA, Philippines – Sumuko na sa pulisya ang suspek sa pinatay na babae matapos gilitan ang leeg sa isang apartelle sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa North Caloocan.

Nagpakilalang ka-live in partner ng biktimang si Sarah Jane Fajardo ang suspek na si Jayson Obuga, 34-anyos, na umamin din sa krimen na ginawa.

Napag-alaman na may apat na anak ang mag-partner.

Lahad ni Obuga na nagkita sila nitong Miyerkoles para pag-usapan ang mga problema ng kanilang pamilya pero umabot ito sa pagtatalo.

May dala siyang kitchen knife at gun replica para ipangtakot kay Fajardo pero nang magkainitan na umano ay nag-agawan sila sa kutsilyo at napatay niya si Fajardo.

Sasampahan si Obuga ng reklamong murder. Merly Iral

Previous article₱9.5M pabuya alok sa ikalulutas ng kaso vs brodkaster slay at MisOc gov ambush
Next articleAbandonadong sasakyan na konektado sa ‘missing beauty queen’ natagpuan