Home NATIONWIDE Gun attack sa Russia inako ng Islamic State group

Gun attack sa Russia inako ng Islamic State group

RUSSIA – Inako ng Islamic State group ang nangyaring pamamaril sa Moscow concert hall nitong Biyernes, Marso 22 na kumitil sa buhay ng 40 katao.

Sa pahayag ng grupo sa Telegram messaging app, sinabi nito na “IS fighters attacked a large gathering… on the outskirts of the Russian capital Moscow.”

Nakabalik ng ligtas sa kanilang mga base ang mga umatake, ayon pa sa IS.

Tinutugis na ng National Guard ng Russia ang mga sangkot sa pag-atake.

Matatandaan na binulabog ng sunod-sunod na pamamaril ang rock concert sa northern Moscow na kumitil sa buhay ng 40 katao at 100 iba pa ang nasaktan.

Napag-alaman na nakasuot ng camouflage ang mga armadong lalaki, naghagis ng granada at walang habas na namaril. RNT/JGC

Previous articleClaudine, namayat kay Jaclyn!
Next articleBarko ng Pilipinas, ginitgit na naman ng China Coast Guard!