MANILA, Philippines – Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules ng rules and regulations para sa gun ban period sa panahon ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).
Magsisimula ang panahon ng gun ban sa August 28 Hanggang Novber 29, kasabay ng election period ng BSKE.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10918, ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns, na pinamumunuan ni Commissioner Aimee Ferolino bilang Chairperson, ay itinalaga na mag-isyu ng Certificates of Authority (CA) sa mga exempted sa gun ban.
Maliban kung pinahintulutan ng poll body sa pamamagitan ng CA, ang mga sumusunod na gawain ay ipinagbabawal sa Panahon ng Halalan:
– Magdala, magbitbit o magbiyahe ng mga baril at iba pang nakamamatay na armas sa labas ng tirahan o lugar ng negosyo, at sa lahat ng pampublikong lugar;
– gumamit, mag-avail, o makipag-ugnayan sa mga serbisyo ng mga security personnel at bodyguard; at
– transport o deliver ng mga baril at pampasabog, kabilang ang mga bahagi nito, bala, at/o mga components .
Ayon sa Comelec, ang pagbabawal na ito ay kinokonsiderang election offenses na may parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon na walang probasyon, permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong tungkulin, at pag-alis ng karapatan sa pagboto.
Kung ang lumabag ay isang dayuhan, sila ay masentensiyahan ng deportasyon pagkatapos mabuo ang parusang pagkakakulong.
Samantala, sinimulan na ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns ang maagang paghahain ng mga aplikasyon para sa pag-isyu ng mga CA para sa gun ban exemption noong Hunyo 5, 2023 hanggang Nobyembre 15, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden