Home NATIONWIDE Gun replicas sakop ng gun ban

Gun replicas sakop ng gun ban

320
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Ilocos Norte Provincial Police Office (INPPO) na sakop ng umiiral na gun ban ang pagdadala ng gun replicas para sa 2023 barangay at Sanggunian Kabataan elections.

Ang gun ban ay umiiral na simula ngayong Lunes, Agosto 28.

Sa press briefing nitong Sabado, sinabi ni Major Jephre Taccad, information officer ng INPPO, na maparurusahan din ang mga mahuhuling may dalang replica guns katulad ng parusa sa totoong baril.

Maituturing na replica guns ang mga toy gun, airguns, airsoft guns, antique firearms at iba pang replica na katulad ng isang baril.

Ani Taccad, kadalasang ginagamit ang mga replica ng baril na ito para manakot ng mga kandidato at kanilang taga-suporta.

Idinagdag pa ng INPPO na bawal magdala ng mga baril at iba pang deadly weapons sa labas ng kanilang tirahan o place of business kahit pa lisensyado ito, dahil sa umiiral na gun ban.

Tanging ang mga indibidwal na nakakuha lamang ng certificate of authority mula sa Comelec ang makapagdadala nito kasabay ng election period. RNT/JGC

Previous articleMga checkpoint inilatag na sa pagsisimula ng election period sa BSKE 2023
Next articleGilas may pag-asa pang umusad sa 2nd round ng 2023 FIBA ​​World Cup

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here