Home NATIONWIDE ‘Gunman’ ng pamilya Teves sa Dumaguete, arestado sa QC – CIDG

‘Gunman’ ng pamilya Teves sa Dumaguete, arestado sa QC – CIDG

483
0

MANILA, Philippines- Naaresto ang umano’y gunman na ginamit ng pamilya Teves family sa Dumaguete City, sa Quezon City nitong Miyerkules, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ng CIDG ang naaresto na si Police Staff Sergeant Noel Santa Ana Alabata Jr., kilala rin bilang Alfonso Edena Tan.

Arestado siya sa attempted murder at attempted homicide charges.

Inilabas ang arrest warrant para sa attempted murder sa Dumaguete City ni Regional Trial Court Branch 35 Presiding Judge of the 7th Judicial Region Glenda J. Yee-Uymatiao. Inirekomenda ang piyansang P120,000.

Samantala, nilagdaan naman ang warrant for arrest para sa attempted homicide sa Dumaguete City ni MTCC Branch 1, 7th Judicial Region Presiding Judge Dinah Bagares Tabada-Chu, na may inirekomendang P36,000 piyansa.

Inihayag ni CIDG chief Police Brigadier Romeo Caramat Jr. na ang akusado ay dating naka-aassign sa PDEG Region 6 at umano’y ginamit ng pamilya Teves bilang hitman para sa isang “Ong”, karibal ng ma Teves sa kanilang negosyo.

Dinala si Alabata sa CIDG DSOU Office para sa dokumentasyon at kustodiya habang hinihintay ang commitment order mula sa issuing court, base sa CIDG.

“Patuloy ang pag-verify namin sa akusado na itinuturong gunman ng mga Teves upang malaman kung meron pa itong mga kinasasangkutan na kaso. Magiging patas kami sa lahat ng aming makukuhang impormasyon at sisiguraduhin na mananagot siya sa ating batas,” pahayag ni Caramat. RNT/SA

Previous articleDBM naglabas ng P15.15B para sa konstruksyon ng mga bagong klasrum
Next articleMask mandate ‘di muna ikakasa sa Metro Manila

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here