Home METRO Gunrunner nabitag sa Negros

Gunrunner nabitag sa Negros

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang 45-anyos na gunrunner sa entrapment operation sa Barangay Orong, Kabankalan City, Negros Occidental nitong Sabado, Marso 23.

Ani Police Lt. Col. Roberto Indiape Jr., Kabankalan police chief, ang suspek na si alyas “Negro” ay inaresto makaraang magbenta ng .38 caliber revolver sa police poseur-buyer sa halagang P2,500.

Nakuhanan din ang suspek ng 35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000.

Narekober din sa suspek ang apat na live ammunition at isang glass tooter.

Nagmula si “Negro” sa Luzon ngunit nakikituloy sa mga kaanak ng kanyang live-in partner sa Negros Occidental.

Mula pa noong Enero ay minomonitor na ang galaw ng suspek matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kanyang mga iligal na aktibidad.

Nauna nang naaresto ang suspek sa pagnanakaw at illegal na droga ngunit nakalaya. RNT/JGC

Previous articleCaretaker tiklo sa P3.4M shabu sa Pangasinan
Next article102 pares nagpalitan ng ‘I Do’ sa Las PiƱas