Home HOME BANNER STORY Gurong tulog ‘di na nagising sa hinagis na granada sa bahay

Gurong tulog ‘di na nagising sa hinagis na granada sa bahay

COTABATO – Tigok ang isang guro matapos na hagisan ng granada ang kaniyang bahay sa Pikit, ayon sa pulisya.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marichu Cabañog, isang pampubligkong guro sa isang paaralan sa bayan.

Ayon sa Pikit Municipal Police, mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang hagisan umano ang kanilang bahay ng nasabing granada.

Nakita na lang na nakahandusay ang biktima dahil sa tama ng shrapnel sa katawan dahil sa granada. Nagawa pa siyang isugod sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at inaalam ang salarin at motibo sa krimen. RNT

Previous articleP50K dagdag-parusa sa panggulong kandidato isinusulong ni Sandro
Next articleSolon sa delivery couriers: Kustomer payagang ma-tsek ang parcel iwas online scam