MANILA, Philippines – Tinuring ni Batangas Rep. Ralph Recto na isang tampuhan lamang na lilipas din ang alingasngas sa pagitan nina House Speaker Martin Romualdez at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo .
“This ‘political tampuhan shall pass. This is a tempest in a teacup that will not wash away a strong alliance between closqng e partners who share a common vision of a prosperous and peaceful country,” pahayag ni Recto.
Ani Recto, malaki ang kontribusyon ng dalawang lider sa Kamara kaya naman umaasa itong maayos ang lahat sa pagitan ng dalawang opisyal.
Ang tandem umano nina Romualdez at Arroyo ay nagbigay daannpara maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas.
“The fog of miscommunication will soon clear, the vow of cooperation will be renewed, and attempts to drive a wedge between them shall have failed,” binigyang diin ni Recto.
Payo ni Recto sa mga kritiko na itigil na ang intriga at mainam na tutukan ang trabaho.
Sa panig ni Romualdez, una na nitong sinabi na maraming dapat na pag usapan na mahahalagangg isyu sa Kamara sa halip na pamumulitika.
“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud. The Uniteam, which the House leadership has always been a part of, must continue to focus on finding immediate solutions to problems of ordinary Filipinos,” giit ni Romualdez. Gail Mendoza