Home OPINION GUSTO MO BANG MAGPA-UPGRADE NG IYONG UMID ATM PAY CARD?

GUSTO MO BANG MAGPA-UPGRADE NG IYONG UMID ATM PAY CARD?

IPINAPAALAM ng pamunuan ng Social Security System (SSS) na nagsimula na itong maglabas ng mga Unified Multi-Purpose Identification Automated Teller Machine (UMID ATM) Pay Card sa mga miyembro nito bilang bahagi ng pagsusulong ng financial inclusion sa bansa at para lalong mapadali ang enrollment ng mga disbursement account kung saan ipinapadala at matatanggap ang kanyang loans at benefits.

Maaari  ring magamit sa pag-iipon at pambayad sa mga in-store at online transactions ang mga upgraded UMID ATM pay card.
Ang mga miyembro na maaaring mag-upgrade ay ang mga nag-aplay ng regular UMID card sa huling sampung taon kasama na rin ang mga nais na mag-aplay dahil nawala ito o sa mga nais mag-update ng card details.

Gayundin ang mga may application sa regular UMID card pero hindi pa natatanggap ang kanilang card.

Mahalaga na updated dapat sa SSS database ang mga personal information kabilang ang local mailing address, ang home address, mobile number, at email address.

Simpleng-simple lamang ang kinakailangang gawin, una, mag-log-in sa inyong My.SSS member account o gumawa ng account sa https://member.sss.gov.ph/members.

Katulad ng sinabi kanina, kailangan ay tama at updated ang inyong mga detalye. Sa inyong account, i-access ang “Services” menu, i-click ang “upgrade to UMID ATM Pay Card” upang maibahagi ng SSS ang inyong UMID application sa partner bank nito na Union Bank.

Hihilingin sa inyo ang consent o pagsang-ayon na magkaroon ng access sa inyong My.SSS account, kailangan na buksan ang Union Bank Online Website sa pamamagitan ng browser na https://online.unionBankph.com/online-banking//signup//open-account o i-download at buksanang Union Bank Online App na https://go.onelink.me/OgnL/f4dt67.

Matapos na makapag-enroll sa Union Bank ay maipadadala ang inyong UMID ATM Pay Card sa loob ng isang buwan. Ito ay magsisilbing disbursement account para sa lahat ng inyong SSS transactions o maging sa ilang personal transactions.
Para sa mga katanungan, pumunta sa uSSSapTayo portal sa https://crms.sss.gov.ph at i-indicate ang “upgrade to UMID ATM Pay Card” sa subject line. Maaari ring tawagan ang Union Bank Customer Service Hotline na (+632) 8841-8600 para sa kanilang mobile app.

Previous articleKaligtasan ng mga OFW sa Israel tiniyak ng pamahalaan sa mga pamilya nito
Next articleNAVOTAS, MMDA INAUGURATE GREENZONE PARK