MANILA, Philippines- Patuloy na nakaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa kanlurang bahagi ng Luzon at magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Inaasahan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, at Benguet ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan.
Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa monsoon at localized thunderstorms.
Ang coastal waters ay magiging “rough” sa Extreme Northern Luzon, moderate to rough sa natitirang bahagi ng Luzon, at slight to moderate sa Visayas at Mindanao.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:41 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:23 ng hapon. RNT/SA