MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Sa ulat ng PAGASA, ngayong araw, Setyembre 25 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan ang MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas dahil sa habagat.
Ang Eastern Visayas naman at Masbate ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at isolated rainshowers at thunderstorm dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC