MANILA, Philippines – Iiral ang southwest monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon ngayong Linggo, Setyembre 10.
Sa bulletin ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa habagat at localized thunderstorms.
Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa serye ng malalakas na pag-ulan dahil sa thunderstorm. RNT/JGC