Habagat, iiral sa S. Luzon, Visayas, ilang bahagi ng Mindanao

Habagat, iiral sa S. Luzon, Visayas, ilang bahagi ng Mindanao

June 29, 2020 @ 6:31 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Makaaapekto ang Habagat sa Southern Luzon at Visayas ngayong Lunes, June 29, ayon sa PAGASA.

Makararanas ng pag-ulan ang Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Northern Mindanao, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zambales at Bataan dala ng Habagat.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay uulanin dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...