MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan at ulan ang southwest monsoon (habagat) sa western section ng Northern at Central Luzon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Samantala, patuloy na binabantayan ng weather bureau continues ang aktibong tropical cyclones sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Hanggang kaninang alas-3 ng umaga, si Bagyong Koinu (dating Jenny) ay 640 kilometers west ng Itbayat, Batanes na may maximum sustained winds na 155 kilometers per hour, gustiness hanggang 190 kph, at patungong west southwestward direction sa bilis na 10 kph.
Namataan naman ang ikalawang cyclone, isang tropical depression,3,100 km east ng Visayas na may maximum sustained winds na 45 kph, gustiness hanggang 55 kph, at patungong northwestward direction sa bilis na 20 kph.
Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.
Inaasahan naman sa Northern at Central Luzon at sa western section ng Southern Luzon ang light to moderate wind speed patungong southwest to southeast direction at slight to moderate coastal waters.
Para sa natitirang bahagi ng bansa, magkakaroon ng light to moderate wind speed patungong northeast to northwest direction na may slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:46 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:42 ng hapon. RNT/SA