Home NATIONWIDE Habagat, LPA trough iiral sa bansa

Habagat, LPA trough iiral sa bansa

MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa ilang bahagi ng bansa na sasabayan ng kalat na pag-ulan, dahil sa southwest monsoon o habagat, trough ng Low Pressure Area (LPA) at localized thunderstorms ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, at Southern Leyte ng pag-ulan dahil sa southwest monsoon.

Samantala, inaasahan sa Batanes ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa Trough ng LPA.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, iiral ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorms.

Magkakaroon ng light to moderate wind speed patungong southwestward habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:43 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:18 ng hapon. RNT/SA

Previous articleLotto Draw Result as of | August 17, 2023
Next articleDOH nakapagtala ng 122 dagdag-kaso ng COVID sa Pinas