Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa Palawan, ilang bahagi ng Mindanao

Habagat magpapaulan sa Palawan, ilang bahagi ng Mindanao

MANILA, Philippines- Inaasahang magiging maulap ang kalangitan sa Palawan at ilang bahagi ng Mindanao na sasabayan ng ulan dahil sa southwest monsoon o habagat ngayong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sinabi ng Pagasa na bukod sa Palawan, magiging maulan sa mga rehiyon sa Mindanao, kabilang ang Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, and General Santos City), at Davao del Sur.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”

Sinabi ni Pagasa weather specialist Daniel James Villamin na binabantayan ng state weather bureau ang cloud clusters sa silangang bahagi ng Mindanao.

Samantala, hindi naman nagpairal ang Pagasa ng gale warning saanmang seaboards sa buong bansa. RNT/SA

Previous articleLotto Draw Result as of | August 20, 2023
Next articleBuCor: Cataroja sumakay sa garbage truck para makatakas sa Bilibid