MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Dahil dito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorm dahil sa southwest monsoon at localized thunderstorm.
Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC