MANILA, Philippines- Patuloy ang pagbilis ni Severe Tropical Storm Hanna patungo sa westward direksyon sa bilis na 15kph saine Sea, ayon sa PAGASA nitong Huwebes ng hapon.
Batay sa 5 p.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA, huling namataan si Hanna 1,035 kilometers east ng extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 110 kph at gustiness na 135 kph.
Patuloy na palalakasin ni Hanna, maging ni Super Typhoon Saola (formerly Goring) na kasalukuyang nasa labas ng PAR, at Severe Tropical Storm Kirogi ang Southwest Monsoon.
Inaasahang magdudulot ang Southwest Monsoon ng occasional monsoon rains sa western Luzon sa sunod na tatlong araw.
Inaasahan din sa mga sumusunod na lugar ang gusty conditions sa kahit wala pang itinataas na tropical wind cyclone signals sa kasalukuyan:
Huwebes at Biyernes: Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas.
Sabado: Zambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at northern portion ng Eastern Visayas.
Bagama’t maliit ang posibilidad na magdulot si Hanna ng rough sea conditions saan mang Philippine Seabord sa loob ng forecast period, epektibo pa rin ang gale warning sa mayorya ng seaboard ng Luzon at ng Visayas.
Posibleng maging bagyo si Hanna sa loob ng 12 hours oras sa loob ng PAR at inaasahang aabot sa peak intensity sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ng PAR ang sama ng panahon sa Sabado. RNT/SA