Home NATIONWIDE “Habagat” season tapos na – PAGASA

“Habagat” season tapos na – PAGASA

MANILA, Philippines – Idineklara ng state weather bureau noong Huwebes ang pagtatapos ng “habagat” o southwest monsoon season.

Ang nasabing hakbang ay nagmamarka naman sa pagsisimula ng northeast monsoon season.

Ang Habagat ay nangyayari kapag ang mainit, mamasa-masa na hangin mula sa timog-kanluran ay nagdudulot ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa sa Mayo hanggang Setyembre.

Sa kabilang banda, ang amihan ay nagdadala ng malamig na hangin mula sa hilagang-silangan na nagdudulot ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa mula Oktubre hanggang Marso.

“Recent analyses showed that a significant weakening of the Southwest Monsoon has been observed over the past few days. Moreover, the strengthening of the high-pressure system over East Asia has led to a gradual change in the weather patterns,” anang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“With these developments, the southwest monsoon (habagat) season is now officially over. The season in the Philippines is now in a gradual transition to the northeast monsoon (NE) season and may be apparent and declared in the coming weeks,” dagdag pa ng weather bureau.

Samantala, sinabi ng PAGASA na ang patuloy na El Niño ay nangangahulugan ng mas mataas na posibilidad ng below-normal na kondisyon ng pag-ulan, habang ang mga dry spells at tagtuyot sa ilang lugar ay maaaring mangyari sa huling quarter hanggang sa unang quarter sa susunod na taon. RNT

Previous articleDahil sa inggit: Kasambahay na taga-Africa suspek sa pagpatay sa OFW sa Saudi
Next articleIwas-traffic alert: Road works sa España Blvd sa Okt. 13-17