Home NATIONWIDE Hacking, data breach sa gov’t agencies pinatatalupan sa Kamara

Hacking, data breach sa gov’t agencies pinatatalupan sa Kamara

MANILA, Philippines- Isinulong ng progressive lawmakers nitong Huwebes ang congressional inquiry sa ilang insidenten ng hacking at data breach sa ilang government agencies.

Sa paghahain ng House Resolution 1690, binanggit ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang polisiya ng bansa sa pagprotekta sa karapatan sa privacy at komunikasyon habang tinitiyak ang  malayang pagdaloy ng impormasyon habang isinusulong ang inobasyon at paglago.

Binanggit nila ang impormasyon batay sa global cybersecurity firm Kaspersky Security Network (KSN) na naglagay sa Pilipinas sa ika-apat na pwesto sa global ranking ng mga bansang “most targeted” ng web threats noong 2023 at nangunguna sa Southeast Asia.

“An extensive data breach in early 2023 revealed 817.54 gigabytes of records belonging to both applicants and employees across various government agencies, including the Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), and Special Action Force (SAF) has put the personal information of millions of Filipinos at risk,” giit ng mga mambabatas.

Binanggit din nila ang ilan pang insidente noong nakaraang taon:

  • hacking ng Facebook page nPhilippine Statistics Authority in Central Visayas (PSA-7) on February 22, 2023;

  • pag-atake sa Philippine Health Insurance Corporation ng ransomware na tinatawag na Medusa noong September 22, 2023;

  • pagkumpirma ng Department of Science and Technology (DOST) sa data leak incident sa OneExpert website noong October 12, 2023;

  • pagkakatanggap ng Senate of the Philippines website ng spike ng cyber attacks sa parehong araw na napasok ng hackers ang web portal ng Kamara noong October 18, 2023; at

  • panghihimasok ng hackers sa official Facebook page ng Department of Social Welfare and Development in Central Visayas (DSWD-7) noong January 23.

Inihayag sa resolusyon na sinabi mismo ni Department of Information and Communications Technology (DICT) spokesperson Renato Paraiso sa isang panayam na kabilang ang mailboxes ng DICT, website ng National Coast Watch Center, at ang personal website ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa targets ng pumalyang hacking operations noong Enero ng hackers na pinaniniwalaang nakabase sa China.

Gayundin, inilahad ng mga mambabatas sa kanilang resolusyon ang pagkakadiskubre kay Jeremiah Fowler, isang researcher sa cyber-security firm vonMentor, ng non-password protected cloud storage database na konektado sa Online Voucher Application (OVAP) program ng Department of Education (DepEd), na nagsisiwalat umano sa kabuuang 210,020 records at mga dokumento.

“The reported data breach necessitates urgent investigation and action as it not only jeopardizes the personal data of individuals affected but also ensures data privacy and security is paramount in maintaining public trust and protecting national security mandated by these government agencies,” giit ng mga mambabatas.

Kabilang sa mga naghain ng resolusyon sina House Deputy Minority Leader France Castro ng ACT Teachers party-list, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriela party-list, at Kabataan party-list lawmaker Raoul Manuel. 

“Now, be it resolved, that the House of Representatives conduct an investigation into the reported data breach incidents which have caused violations of the Data Privacy Act, Cybercrime Prevention Act, and other pertinent laws caused by various hackers and perpetrators,” anang mga kongresista. RNT/SA

Previous articleMga Pinay hinikayat mag-apply ng scholarship para sa ASEAN women sa STEM
Next articleTom, naninibago sa pagbabalik showbiz!