
TAMEME ang pagkalarawan ni National Youth Commission chairman Undersecretary Ronald Gian Carlo Cardema sa mga miyembro ng “Makabayan bloc” sa Kongreso nang kanilang mapakinggan ang mga hinagpis ng mga inang ang mga anak ay narecruit ng New People’s Army.
Ayon kay Cardema, naganap ito sa isang hearing sa plenaryo ng Kongreso kung saan ang kanyang kapatid na si Duterte Youth Partylist Rep. Dixie Mae Cardema, ay hinamon sina ACT partylist Rep. France Castro at dalawa pang Makabayan Bloc members, na mga representante ng Gabriela at Kabataan partylist na magkomento sa ipinakita nitong video, kung saan 50 kabataang na ang napatay sa mga combat operations ng NPA laban sa mga tropa ng pamahalaan.
Hindi raw nakakibo sina Castro at mga kasama matapos ang presentation, dahil alam naman ng mga ito na totoo ang mga pangyayaring iprenisinta ng kanyang kapatid, na ang mga napaslang na mga kabataan ay mga kabataang ginamit ng NPA bilang mga combatant.
Para kay Cardema, ito raw ay sa kadahilanang ang communist front organizations na tulad ng ACT partylist ni Castro ang nagrerecruit ng mga kabataan para maging NPA.
Bakit daw alam ng NYC ito? Mayroon kasi silang mga kopya ng mga intelligence report ng Armed Forces of the Philippines atPhilippine National Policeat ito ay ibinahagi ni Cardema sa virtual press conference ng Integrated Communications Office Center , na media bureau ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na pinamumunuan ng inyong lingkod.
Ang paglalahad na ito ni NYC chair ay bunga nang paghahain ni Castro ng criminal charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil daw sa banta nito sa buhay ng mambabatas.
“Ang masasabi ko lang, sira-ulo talaga ‘yang France Castro na ‘yan kahit Kongresista siya…ang kapal ng mukha. Alam naman natin na sila ang mga makakaliwang grupo na connected sa Communist Party of the Philippines-NPA,” ang mga binitiwang salita ni Cardema sa presscon na iyon.
Dagdag pa niya, maging si Vice President Sara Duterte ay laging nagbibilin sa kanya na tumulong ang NYC na huwag ma-recruit ang ating mga kabataan ng front organizations gaya ng ACT, Gabriela, Kabataan, Bayan Muna, Karapatan at iba pa.
Ang hangarin nina Inday Sara at Cardema ay hangarin nating lahat. Ang huwag maagaw ang ating mga anak ng CPP-NPA-NDF.
Mapanglinlang ang samahang ito. Hindi lamang sa maling paniniwala at ideolohiya ang itinuturo nito, kundi isinasalang ang ating mga kabataan sa armadong labanan at nakikitil ang murang gulang sa walang kakwenta-kwentang pakikibaka.
Dapat nating tuldukan ang kamaliang ito na ginagawa ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF at ng front organizations nilang nagpapanggap na Makabayan Bloc sa Kongreso at ang iba naman ay mga militante kuno.
Na N’YO! Matagal na kayong perwisyo sa lipunan at sa bayang Pilipinas.