Halos 100 dayuhan sapul sa COVID-19 sa PH; 8, patay – DOH

Halos 100 dayuhan sapul sa COVID-19 sa PH; 8, patay – DOH

May 22, 2020 @ 6:40 PM 6 days ago

  • 2
  •  
  •  
    2
    Shares
Share

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Department of Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa Beat COVID-19 virtual presser ngayong hapon na mayroong kabuuang 97 mga dayuhan ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Kabilang dito ang 32 na Chinese nationals, 13 Americans, 5 Japanese, 4 Taiwanese, at 4 na Indians.

Mayroon din naitalang 39 na iba pang nationalities na kumpirmadong na-infect sa  COVID-19.

Sa kasalukuyan ani Vergeire, 60 rito ang naka-admit pa sa ibat-ibang hospital habang 21 naman ang nakarekober.

Nakapagtala rin ng 8 pasyenteng pumanaw sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...