Home METRO Halos 100 kabahayan nasunog!

Halos 100 kabahayan nasunog!

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog na itinaas sa Alert Level 3 nitong Martes, alas-4 ng umaga, kung saan 100 bahay sa Barangay Tagpos, Binangonan, Rizal ang nasapul.

Ayon sa ulat nitong Martes, nagsimula ang apoy sa Lower Luklukan compound at umabot sa Bautista compound na naging mitsa ng pagsabog ng mga kable ng kuryente.

Samantala, inihayag ni Binangonan Municipal Fire Marshal Fire Chief Inspector Richard Malamug na posibleng electrical malfunction ang mitsa ng sunog.

“Nakita nila yung kuryente nanggaling doon sa bubong doon sa bulb ng ilaw, so malamang sa electrical yung pinagmulan ng sunog,” wika ni Malamug.

Kasalukuyang nananatili sa evacuation centers ang mga apektado ng insidente. RNT/SA

Previous articleDOH maglalabas ng pondo sa pagtugon sa Surigao quake
Next article3 trafficking victims nasagip ng BI