MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 2,500 rice retailers na apektado ng price ceiling ang nakatanggap na ng ₱15,000 halaga ng financial assistance, ayon sa Department of Trade and Industry nitong Biyernes.
“So far, sa NCR (National Capital Region), mahigit 1,500 na ang nabigyan, at mahigit 2,500 na ang nabigyan, sa buong Pilipinas na ‘yan,” pahayag ni Trade Assitant Secretary Agaton Uvero sa isang panayam.
“Maliit pa yung numero pero nagkakahalaga na rin ng mga ₱35 million,” patuloy niya.
Umarangkada ang distribusyon ng ayuda sa public markets sa Quezon City, Caloocan, Manila, San Juan at Zamboanga del Sur. RNT/SA