Home NATIONWIDE Halos 25K mangingisda sapul ng OrMin oil spill

Halos 25K mangingisda sapul ng OrMin oil spill

MANILA, Philippines – Nasa 24,698 na mangingisda mula sa tatlong rehiyon ang naapektuhan ng oil spill dulot ng paglubog ng tanker na M/T Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules, na nasa 337 ang mga apektadong mangingisda sa Calabarzon, 24,266 sa Mimaropa, at 95 sa Western Visayas.

Ayon sa NDRRMC, nawalan ang nasabing mga mamggingisda ng tinatayang P4.99 bilyon sa produkdyon dahil sa oil spill.

Samantala, ang mga apektadong pamilya ay nasa 42,487 o katumbas ng 200,244 katao na naninirahan sa 262 barangay sa Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Nagbigay ang gobyerno ng P662.4 milyon halaga ng tulong sa tatlong rehiyon.Kabilang dito ang mga face mask, de-boteng tubig, sari-saring gamot at bitamina, cash-for-work na tulong, pagkain, at iba pang mga bagay.

Nauna nang sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na matatapos na sa Hunyo 19 ang siphoning operations sa oil spill sa Oriental Mindoro matapos lumubog ang Princess Empress na may lulan na 800,000 litro ng langis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTututok sa seniors itatalaga ni Herbosa sa DOH
Next articlePinoy Para athletes pinuri ni PBBM sa 2023 ASEAN Games