Home METRO Halos 30 tirahan nasunog sa Tondo

Halos 30 tirahan nasunog sa Tondo

MANILA, Philippines – Tinupok ng apoy ang 27 tirahan sa sunog na naganap sa Barangay 234, Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi, Hunyo 23.

Ayon kay F/Insp Ronald Lim Ronald Lim, Bureau of Fire Protection Manila Station 1 commander, sa panayam ng ABSCBN News, agad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang mga Bahay.

“Sa investigation bandang gitna pa [ang pinagmulan ng sunog] so lumabas sa Antonio Rivera, tapos lumabas din [ang sunog] sa Abad Santos,” pahayag ni Lim.

“Kung makikita niyo tumagos dito sa Antonio Rivera, malaki naman kalsada. Ang problema lang ay sa Villaroel, sa may Abad Santos. kasi doon eskinita lang doon, mahirap sa atin ito dahil maliit ang esikinita,” dagdag pa niya

Tuluyang naapula ang sunog 1:30 ng madaling araw ng Lunes.

“Yung linya ng tubig naipasok naman bale nakapaglatag ng 10 linya bawat kumpanya. so maraming naibaba so nai-kontrol naman ang sunog para hindi na lumaki pa,” ayon kay Lim.

Wala namang nasawi o nasugatan sa sunog.

Patuloy na iimbestigahan ng BFP ang sanhi ng apoy at kabuuang halaga ng pinsala nito. RNT/JGC