Home NATIONWIDE Halos 300 dayuhang nahuli sa Tarlac scam hub dinala sa Metro Manila

Halos 300 dayuhang nahuli sa Tarlac scam hub dinala sa Metro Manila

MANILA, Philippines- Nasa 300 dayuhang nabuking sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac, ang dinala sa Metro Manila nitong Sabado.

Ayon sa ulat, dumating ang dayuhang sakay ng bus sa Pasay City facility dakong ala-1 ng hapon.

May kabuuang 204 dayuhan ang mula sa China, 53 mula sa Vietnam, 14 mula sa Malaysia, tig-dalawa mula sa Indonesia at Rwanda, at isa mula sa Kyrgyzstan.

“Kung dadalhin sila sa immigration office, malapit lang dahil nasa Roxas Boulevard lang tayo. Kung pupunta sila sa DOJ, malapit sa DOJ. Kung may magkasakit, katabi namin yung ospital. Coordinated na kami with the Bureau of Immigration and papunta sila dito for the inquest proceedings,” pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chief Gilbert Cruz.  

Batay pa sa ulat, mananatili ang mga dayuhan sa bansa habang gumugulong ang reklamong human trafficking at serious illegal detention.

Nagsagawa ang mga grupo mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at PAOCC ng joint raid sa 10-ektaryang compound ng Zun Yuan Technology Incorporated nitong Miyerkules.

Naglabas ng search warrant matapos makatakas ang Vietnamese national at maghain ng physical injuries at serious illegal detention complaints laban sa mga nangangasiwa sa POGO firm. Ayon pa sa kanya, pinipilit ang mga dayuhang magsagawa ng scamming activities at sinasaktan kapag hindi naaabot ang arawang quota. RNT/SA

Previous articleSeguridad ng mga pasahero babantayan ng 30.5K PCG personnel sa Semana Santa
Next articleP2.845B investments aprubado para sa buwan ng Marso