Home NATIONWIDE Halos 30K pasahero bumiyahe na sa pantalan ngayong Disyembre

Halos 30K pasahero bumiyahe na sa pantalan ngayong Disyembre

MANILA, Philippines – Mayroon nang 16,480 outbound passengers at 13,222 inbound passengers na na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Disyembre 16 sa lahat ng daungan sa buong bansa para sa OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2023.

Bukod dito, nakapagpakalat ng 2,633 Frontline personnel sa 15 PCG Districts at nasa 1,574 sasakyang-dagat na ang nainspeksyon at 110 motorbancas.

Inilagay ng PCG ang mga distrito, istasyon, at sub-istasyon nito sa heightened alert mula 15 Disyembre hanggang Enero 3, 2023 upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa daungan.

Maaaring makipag-ugnayan ang seafaring public sa PCG sa pamamagitan ng opisyal nitong Facebook page o Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa mga katanungan, alalahanin, at paglilinaw tungkol sa mga protocol at regulasyon sa paglalakbay sa dagat sa panahon ng Pasko 2023. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleMalta, Albania lumagda ng bilateral labor deal sa Pinas
Next articleBong Go: Bully at binu-bully parehong tulungan