Home NATIONWIDE Halos 3K dayuhan naharang ng NAIA papasok ng Pinas

Halos 3K dayuhan naharang ng NAIA papasok ng Pinas

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na halos nasa 3,000 dayuhan ang kanilang hinarang at hindi panayagang pumasok sa bansa ngayong taon 2023.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na mula Enero hanggang Oktubre, may kabuuang 2,778 undesirable aliens at mga improperly documented foreign nationals ang hinarang ng mga opisyal ng imigrasyon.

Ayon pa kay Tansingco, karamihan sa mga ito ay nagtangka pang pumasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na itinuturing na premiere port ng bansa.

Nabatid na sa kabuuang bilang, 696 dito ay Chinese, 414 ay Vietnamese, at 214 ay Indonesian.

Iniulat ng ahensya na 204 na mga Amerikano ang hindi pinapasok ng bansa habang nasa 138 na mga Indian din ang hinarang sa nasabing panahon.

Nabatid pa kay Tansingco na noong nakaraang taon ay hindi isinama ng BI ang kabuuang 2,768 na dayuhan sa iba’t ibang dahilan kung saan 52% nito ay public charge, habang 20% ay hindi kasama dahil sa hindi wastong pagkakadokumento.

“As the world opens, the number of travelers has increased,” ani Tansingco. “And with this also comes the increase of illegal aliens attempting to enter the country,” dagdag pa ng opisyal. Jay Reyes

Previous article‘Fraud cases’ nilinaw ng bagong Maharlika president
Next articleSENIOR, PWD DISCOUNTS muna BAGO BAYARAN SA OSPITAL – PHILHEALTH