Home NATIONWIDE Halos 40 patay sa air raids sa Sudan

Halos 40 patay sa air raids sa Sudan

WAD MADANI, Sudan- Hindi bababa sa 40 indibdiwal ang napatay habang marami ang sugatan nitong Linggo sa air strikes sa timog ng Sudan’s capital Khartoum, ayon sa mga lokal na aktibista, sa paglapit ng giyera sa ika-limang buwan nito.

Nangangahulugan ang revised toll na ang raid nitong Linggo ng umaga ang isa sa “deadliest single attacks” sa giyerang sumiklab noong Abril sa pagitan ni army chief Abdel Fattah al-Burhan at dati niyang deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, na pinuno ng paramilitary Rapid Support Forces.

“At about 7:15 am (0515 GMT), military aircraft bombarded the Qouro market area,” ayon sa local resistance committee.

“The number of victims of the Quoro market massacre” ay umakyat na sa 40 pagsapit ng hapon, ayon sa komite, na binago ang naunang toll na 30 biktima.

Anang komite, inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito.

Halos 7,500 indibidwal ang nasawi sa giyera na sumiklab noong Abril 15, base sa conservative estimate mula sa Armed Conflict Location & Event Data Project.

Inaasahang mas mataas pa ang aktuwal na death toll, kung saan marami sa mga sugatan at nasawi ang hindi na umaabot sa mga ospital at morgue.

Samantala, mahigit limang milyon ang napilitang lumikas, ayon sa United Nations. RNT/SA

Previous articleResidential area sa Teachers’ Village, QC nagliyab
Next article5 Abu Sayyaf sumuko sa militar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here