Home NATIONWIDE Halos 900 OFWs galing Kuwait napauwi na mula Mayo – DMW

Halos 900 OFWs galing Kuwait napauwi na mula Mayo – DMW

MANILA, Philippines – Halos 900 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi na sa bansa simula Mayo dahil hindi pa naaayos ng Pilipinas at Kuwait ang kanilang mga isyu sa mga patakaran para sa mga migranteng manggagawa, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, Hunyo 22.

Sa press briefing, sinabi ni DMW Undersecretary Hans Cacdac na nagpapasalamat sila na patuloy ang ligtas na repatriation o pagpapauwi sa mga OFWs.

Ginawa ng opisyal ang pahayag nang tanungin ang status ng dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa kanilang mga alalahanin sa mga OFW.

“With Kuwait, we are still continually monitoring the situation along with the [Department of Foreign Affairs]. We’re hopeful, still, talks will be underway,” sabi ni Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na ang DMW ay umaasa sa pagpapalawak ng bilateral labor relation sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Noong Mayo, sinuspinde ng gobyerno ng Kuwait ang lahat ng bagong visa para sa mga OFW dahil sa mga naiulat na paglabag ng Pilipinas sa kanilang bilateral labor agreement na nilagdaan noong 2018. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleProduktong lokal, bigyang prayoridad ng gov’t agencies – Angara
Next article18 potential private armed groups sa Mindanao, binuwag