Home NATIONWIDE Halos 96% ng SIM owners, rehistrado na – DICT

Halos 96% ng SIM owners, rehistrado na – DICT

448
0

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa 95% hanggang 96% ng SIM card owners ang nakapagparehistro na ng kani-kanilang SIM card.

“As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.

“I expect mga 100 million more or less, so mga 95% to 96% na tayo,” ayon kay Uy nang tanungin  ukol sa bilang ng mga  registrants  na patuloy na hinihintay ng DICT para magparehistro at porsiyento ng kabuuang registration.

Buwan ng Abril, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hangad ng gobyerno ang 100% registration ng 168 million SIM owners.

Tinukoy ang mga karanasan mula sa ibang bansa na nagpatupad ng SIM registration, sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan  na ang  average percentage ng registered subscribers ay 70% lamang.

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang users ay mayroong 180 araw, o hanggang Abril 26, 2023, para iparehistro ang kanilang SIMs o harapin ang panganib na ma- deactivate ang kanilang SIM card.

Gayunman, inaprubahan ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 90-day extension ng  SIM registration period, epektibong inilipat ang deadline sa Hulyo 25, 2023.

Ang kabiguan na magparehistro ay magreresuta ng deactivation ng SIMs.

Sa oras na na-deactivate ang SIM, mapipigilan na ang subscriber  na makatanggap at makapagpadala ng tawag at text messages at maka- access sa  mobile applications at digital wallets. Kris Jose

Previous articleImee: Pagpapalaya sa PDLs sa  Women Correctional, paspasan na!
Next articlePagsusuri ng Napolcom sa 32 police officers, ‘di pa tapos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here