Home NATIONWIDE Halos 9K kaso ng child abuse naitala sa bansa sa 2022 –...

Halos 9K kaso ng child abuse naitala sa bansa sa 2022 – CWC

159
0

MANILA, Philippines – Halos nasa 9,000 kaso ng child abuse ang naitala noong 2022, sinabi ni Council for the Welfare of Children (CWC) executive director Undersecretary Angelo Tapales nitong Biyernes, Pebrero 3.

Sa televised public briefing, sinabi ni Tapales na ang bilang ay mula sa kabuuang report ng children protection units sa mga ospital, at mula sa helpline ng CWC na inilunsad Oktubre noong nakaraang taon.

“Batay po sa datos na nakuha namin sa women and children protection unit na present po sa mga hospital natin sa buong Pilipinas, noong 2022 po, may 8,948 na kabataan ang naitalang naabuso,” aniya.

“Doon naman po sa Makabata Helpline namin, meron po kasi kaming helpline na itinayo noong October, meron 43 na po na kliyente na tumawag sa amin ng pang-aabuso,” dagdag nito.

Karamihan ani Tapales, sa mga biktima ay mula 15 hanggang 17 taong gulang na naganap sa iba’t ibang lugar katulad ng tirahan, paaralan at komunidad.

Ilan sa mga uri ng pang-aabuso na kanilang natanggap ay sexual abuse, bullying at mental health.

Nagbigay naman ng referral ang CWC sa mga biktima na nangangailangan ng kaukulang serbisyo.

Ang Makabata Helpline ay maaaring matawagan sa telepono numero 1383, mobile numbers na 09158022375 (Globe) at 09603779863 (Smart), sa email na [email protected], at Facebook page na Makabata Helpline. RNT/JGC

Previous articleOverhaul sa 72 bagon ng MRT3 nakumpleto na
Next articlePresensya ng mga pulis sa eskwelahan, papayagan ng school officials