Home METRO Halos P1M shabu narekober sa Quezon

Halos P1M shabu narekober sa Quezon

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P930,000 ang halaga ng droga na narekober ng pinagsanib na pwersa ng Quezon PNP sa dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na bayan sa Lucena City at Lopez sa lalawigan ng Quezon.

Ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002) na kapwa nakilala sa alyas Owel/Datu, 43 na kabilang sa high value individual at Alyas Dorot, 61 (SLI) sa listahan ng Quezon PNP.

Sa report na isinumite sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO Calabarzon, nang magsagawa ng magkahiwalay na anti-drug operation matapos magpanggap na poseur buyer ang tauhan ng Quezon PNP kung saan matagumpay na naaresto ang dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek (Lucena City) ang hinihinalang shabu ba tumitimbang ng 20.60 gramo habang sa Lopez, Quezon ay 25 gramo naman ang nakumpiska na may kabuuang halaga na P930,240. Ellen Apostol

Previous articleKanta ng NewJeans, IVE pumalo ng 300M streams sa Spotify!
Next articleMANGGAGAWA SA INDUSTRIYA NG ASUKAL, MAY MATERNITY AT DEATH BENEFIT CLAIM SA DOLE